Skip to main content

Responsableng Pagsisiwalat

Bilang internasyonal na taga-seguro at muling taga-seguro, patuloy na nagtatrabaho ang QBE Group para protektahan ang aming impormasyon at mga sistema. Pinahahalagahan namin ang komunidad ng seguridad, at ang mga pagsisikap sa pagsisiyasat ng mga mananaliksik sa seguridad na may mga etikal na prinsipyo.

Kung naniniwala kang natuklasan mo ang potensiyal na kahinaan sa seguridad sa loob ng QBE na Grupo, o isa sa aming mga serbisyo o mga produkto, gusto naming ipaalam niyo sa amin nang agaran hangga’t maaari sa pamamagitan ng pag-email sa aming Global Security Operations Centre sa security@qbe.com.

Kami ay nakatuon sa pagsusuri ng lahat ng mga ulat na nabunyag sa amin. Hinihiling namin na bigyan mo kami ng makatwirang takdang panahon para kumpletuhin ang aming pagsusuri at, kung kinakailangan, ayusin at bawasan ang potensyal na kahinaan sa seguridad.

Mangyaring huwag ibunyag sa publiko ang mga detalye ng anumang mga potensyal na kahinaan sa seguridad nang walang malinaw na nakasulat na pahintulot mula sa amin.

Hindi kinukunsinti ng QBE ang anumang malisyosong o ilegal na pag-uugali sa pagtukoy at pag-uulat ng mga kahinaan sa seguridad at hindi ka dapat makisali sa anumang aktibidad na lumalabag sa mga naaangkop na batas.

Mangyaring magkaroon ng kamalyan na hindi binabayaran ng QBE ang mga pagbubunyag.

Mangyari suriin ang mga karagdagang detalye tungkol sa aming Programa sa Responsableng Pagbubunyag dito.