Skip to main content

Patakaran sa Cookie

Panimula

Ang QBE MANAGEMENT SERVICES (UK) LIMITED (‘QBE’, ‘kami’, ‘namin’, o ‘amin’), na nagpapatakbo ng negosyong Proteksyon sa Sasakyan, ay bahagi ng mas malawak na grupo ng mga kumpanya, ang QBE Insurance Group, isa sa mga nangungunang pandaigdigang mga tagaseguro at muling tagaseguro.

Maaari kami gumamit ng mga cookie o mga katulad na teknolohiya para sa ilang layunin kapag bumisita ka sa aming website. Ang Patakaran sa Cookie na ito ay nagtatakda ng makabuluhang impormasyon para matulungan kang maunawaan kung paano namin ginagamit ang mga teknolohiyang ito. Mangyaring maging pamilyar sa impormasyon sa ibaba.

Ang impormasyong nakatakda sa Patakaran sa Cookie na ito ay nilaan bilang karagdagan sa aming Patakaran sa Pagkapribado, na nagbibigay ng komprehensibong impormasyon kung paano naming ginagamit ang iyong personal na data/impormasyon. Pakitingnan din ang aming Mga Tuntunin at Kundisyon ng Mga Website.

Ano ang mga cookie at mga katulad na teknolohiya?

Ang cookie ay isang maliit na file na naglalaman ng mga letra at mga numero na na-download sa iyong aparato kapag binibisita mo ang aming website. Gumagamit kami ng mga cookie at mga katulad na teknolohiya para hal. makilala ka mula sa mga ibang gumagamit, maging maayos ang aming mga website, pahintulutan kaming pabutihin ang aming mga site at pagmememrkado at bigyan ka ng mas isinapersonal karanasan.

Paano ka nagpapahintulot sa aming paggamit ng mga cookie?

Pakitandaan, gayunpaman, na hindi namin hinihiling ang iyong pahintulot magtakda ng ‘mahigpit na kinakailangang mga cookie’. Ang mga mahigpit na kinakailangang mga cookie ay mga cookie na palaging aktibo sa aming website dahil mahalaga ang mga ito sa alinman sa paghahatid ng isang komunikasyon o para bigyan ka ng isang serbisyo na hiniling mo.

Maaari mo ring tanggihan ang mga cookie/itakda ang iyong mga kagustuhan sa mga cookie sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong mga setting sa browser. Ang pamamaraan para sa paggawa nito sa pamamagitan ng mga setting ng iyong browser ay nag-iiba mula sa isang browser aplikasyon hanggang sa isa pa. Mangyaring kumonsulta sa ‘Help’, ‘Options’ o ‘Preferences’ na seksyon ng iyong browser para sa higit pang impormasyon.

Kapag pinili mong hindi paganahin ang mga cookie, dapat alam mo na ang ilang nilalaman o paggana ng aming website ay maaaring hindi mo magamit.

Mas marami pang detalye ng mga kategorya ng mga cookie na ginagamit namin ay nakatakda sa ibaba:

Mga ibang website

Paminsan-minsan, ang website namin ay maaaring maglaman ng mga link sa mga website ng ibang mga negosyo sa grupo ng QBE, ibang mga kasosyong network, mga advertiser at mga kasapi. Kapag sinundan mo isang link sa alinman sa mga website na ito, mangyaring tandaan na ang mga website na ito ay may mga sariling patakaran sa pagkapribado, at hindi kami tumatanggap ng anumang responsibilidad o pananagutan sa mga patakarang ito (maliban sa mga pinapatakbo din namin). Mangyaring suriin ang mga patakarang ito bago mo isumite ng anumang personal na data sa mga website na ito.

Mga Pagbabago sa Patakaran sa Cookie na Ito

Paminsan-minsan, maaaring kailanganin naming gumawa ng mga pagbabago sa Patakaran sa Cookie na ito, halimbawa, bilang resulta ng mga pagbabago sa mga cookie na ginagamit namin o dahil sa mga pagbabago sa batas, mga teknolohiya, o dahil sa mga ibang pag-unlad. Anumang mga pagbabago sa aming Patakaran sa Cookie ay ipapaskil sa pahinang ito.

Paano mo kami makokontak?

Kung nais mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa alinman sa mga bagay sa Patakaran sa Cookie na ito o kung mayroon kang anumang iba pang tanong tungkol sa kung paano namin kinokolekta, iniimbak o ginagamit ang iyong personal na data/impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa aming Opisyal sa Proteksyon ng Data sa pamamagitan ng pag-email sa: dpo@uk.qbe.com o sa pamamagitan ng pagsulat sa:

The Data Protection Officer
QBE European Operations
30 Fenchurch Street
London
EC3M 3BD

Bersyon: 1.0
Binago: Ika-31 ng Enero 2024